Wednesday, July 1, 2009

IKATLONG KALATAS NA EMAIL PARA SA MGA KABARANGAY BALSAHAN

BARANGAY BALSAHAN SENIOR CITIZENS ASSOCIATION (BBSCA)

PARA SA AMING MGA KANAYON NG BRGY BALSAHAN ,


Sa pangalan po ng BBSCA , malugod po kaming bumabati sa inyo mga kanayon . Una na po ang aming taus-pusong pasasalamat lalo na sa mga nanga-una nang naghatid ng tulong pinansyal para sa BBSCA .


Ito po ang aming ika-tatlong pahatid email sa inyo mga kanayon . Ang pamunuan po ng bbsca ay patuloy po na kumakatok at dumudulog sa inyo ng kaunting tulong at suporta para sa mabuting layunin ng ating samahang BBSCA na siyang kumakatawan sa karangalan ng Barangay Balsahan sa mga pagtitipon o okasyon na pang senior citizens ng bayan ng Naic.


Dahil po dito , kahit konting tulong lang , ay magiging katumbas naman ito ng mas malaking bahagi at haligi ng ating samahang senior citizens ng nayon ng Balsahan. Umasa po kayo at magtiwala sa aming kakayahan , na ang bawat sentimo na manggagaling sa inyo ay lagi pong nakatala sa libro ng aming tresurera Gng. Chileth G. Todavia . Palagian din po itong ipararating sa inyong kaalaman sa pamamagitan ni Ginoong Delfin Gutierrez at Ginoong Ding Reyes , patnugot ng globalsahan.blogspot.com.


Marami pong salamat at mabuhay po kayo ! . . . Pagpalain nawa ang BBSCA at ang Barangay Balsahan . . . .

Ginoong Angelito P. Reyes

Pangulo (BBSCA)

(BBSCA)BARANGAY BALSAHAN SENIOR CITIZEN ASSOCIATION: Mga patakaran ng BBSCA (Mahalagang Maintindihan)

(BBSCA)BARANGAY BALSAHAN SENIOR CITIZEN ASSOCIATION
BARANGAY BALSAHAN,NAIC,CAVITE


March 05, 2009


MGA PATAKARAN NG BBSCA ;(MAHALAGANG MALAMAN AT MAINTINDIHAN)


RESOLUTION # OO1 : NAGTATAKDA NA DAPAT SUNDIN NG MGA KASAPI NG BBSCA, MGA PATAKARAN AT ALITUNTUNING NAPAGPASYAHAN AT PINAIIRAL .

(APPROVED OPTION # 01 & 02)


OPTION # 01 : APROBADONG PANGALAN AT TEMA NG PANUKALANG PROYEKTO , “ KILOS NA ! NGAYON NA ! “


MGA KWALIPIKADONG KASAPI SA BBSCA ;
1. LIHITIMONG TAAL NA TAGA BALSAHAN.
2. ASAWA NG TAAL NA TAGA BALSAHAN.
3. MATAGAL NANIRAHAN SA BALSAHAN. ( 5YRS. PATAAS )
4. DATING TAGA BALSAHANG HINDI NA DITO NANINIRAHAN NGUNIT NAGNANAIS SUMAPI SA ASSN.
5. MGA TAGA BALSAHANG NASA ABROAD ( HONORARY MEMBERS )


KAALAMAN AT SISTEMA NG OPERATION NG PROYEKTO ;
1. NAGSIMULA ANG OPERATION JANUARY 2009.
2. KONTRIBUSYON NG BAWAT KASAPI SA HALAGANG P50 PESOS KADA BUWAN.
3. SA MGA NAHULI NG PAGSAPI ,KABUUANG KONTRIBUSYON ANG DAPAT BAYARAN UPANG MAKAHABOL SA KAHUSTUHANG KONTRIBUSYON NG MGA NAUNANG KASAPI NITO.
4. SAKALI NAMANG HINDI MAKAHUSTO AY MAYROON NAMANG KARAMPATANG MABABALIK MULA SA TOTAL NA NAIBIGAY NIYA AT 3% NAMAN GALING SA TOTAL NA PONDO NG ASSN. NGUNIT KAILANGAN LAMANG NA ITO AY UMABOT SA 50% O MAHIGIT PANG KONTRIBUSYON. DAHIL KUNG HINDI ITO NAKA 50% , AY IYON LAMANG TOTAL NA NAIHULOG ANG MAAARING NIYANG MAKUHA .
5. SA MGA HUSTO ANG HULOG SA LOOB NG KANYANG PAGSALI GAANO MAN KATAGAL ITO, AY KABUUANG NAIHULOG NIYA ANG SIYANG IBABALIK AT 5% NAMAN BUHAT SA TOTAL NA PONDO NG ASSN.
6. KAYA ANG LAHAT NG KASAPI AY HINIHIMOK NA MAGING HUSTO ANG HULOG GAANO MAN KATAGAL ITO UPANG SA PAGDATING NG PANAHON AY PAKINABANGAN MO RIN ITO PARA DIN SAYO.
7. ANG BENEFICIARY NG KASAPI DITO AY ASAWA O ANAK LAMANG AT WALA NG IBA PA , LIBAN KUNG WALANG ASAWA O ANAK ,ANG PAMUNUAN ANG MAGPAPASYA TUNGKOL DITO.


OPTION # 02 : TULONG ABOT KAMAY AT KARAGDAGANG BENIPISYO BUHAT SA LAHAT NG KASAPI NG ASSN. , BULUNTARYONG ABULUYAN BUHAT SA SARILING BULSA SA SINOMANG PAPANAW NA KASAPI NA HALAGANG P50 PESOS . MALIWANAG NA BUKOD ITO SA BENIPISYONG MAPAPAKINABANG AT MATATANGGAP BUHAT SA OPTION # 01.


SA MGA KABARANGAY NAMAN NA HINDI PA SENIOR CITIZEN AY MAYROON DIN TAYONG NABUONG PATAKARAN, BASTA KABARANGAY, NA SA KANILANG PAGLISAN AY MAYROON DIN TAYONG BULUNTARYONG ABULUYAN NA HALAGANG P20 PESOS NAMAN. PINAGPASYAHAN AT INAPRUBAHAN NG LAHAT NG KASAPI NITO. SA KATUNAYAN, TATLONG KABARANGAY NATING HINDI PA SENIOR CITIZENS NA PUMANAW, SINA VINIA ADINIG ANAK NI MANG FELIMON AT MAGKAPATID NA BOY AT ALVINO ARCEGA ANAK NI KUYA ENTENG AT ANING ARCEGA, ANG NABIYAYAAN NATIN NG TULONG FINANCIAL. ( MENSAHENG MAY MASASABING ANG SAMAHANG BBSCA AY MAY PAGKILOS AT MAGAGAWA PARA SA LAHAT, MAGING SENIOR CITIZENS O HINDI PA MAN ) ANG IMPORTANTE AT MAHALAGA SA LAHAT , TAYO AY NAGKAKAISA SA PAGTULONG AT PAGDAMAY SA MABUTING LAYUNIN PARA ATING MGA KABARANGAY BALSAHAN .

SIPING IBINAHAGI SA MGA KASAPI NG BBSCA NOONG IKA-7 NG MARSO ARAW NG SABADO ,DAYCARE CENTER ,BARANGAY BALSAHAN.




AMPARO J. MIRANDA

SECRETARY





ANGELITO P. REYES

PRESIDENT