(BBSCA) Barangay Balsahan Senior Citizen Association
Paglalahad at Mungkahing Katitikan sa pulong na ginanap noong Nov. 8, 2008 Sa Brgy. Day Care Center.
* Nagsimula ang pulong ganap na ika-9 ng umaga sa pambungad na panalangin ng Presidente G. Lito Reyes.
* Sinundan ng pagpapakilala ng simbulo na BBSCA o Barangay Balsahan Senior Citizen Assn. At ang mungkahing titulo ng presidente para sa proyekto, “ Tulong Mo, Seguro Ko!” na kaagad inaprubahan ng lahat. Na ang ibig sabihin, bawat ambag ng miyembro, tulong mo para sa sarili mo, nakatulong ka pa sa kapwa miyembro mo.
* Nilakad ng presidente and paksang tatalakayin ukol sa ikagaganda at ikabubuti ng BBSCA.
* Mahinahong ipinaliwanag ng presidente na tayo ay iilang panahon na lamang sa mundo at darating at darating ang hindi inaasahan sa bawat isa – ang dapit-hapon ng buhay. Kung kaya’y ito’y dapat paghandaan lalo na sa mga mahihirap sa ating barangay.
* Ito rin ang nagbunsod ayon sa presidente na makagawa ng isang mahalagang bagay para sa lahat ng senior citizen ng barangay Balsahan na magpapaalaala sa mga susunod pang mga Senior Citizen ng Balsahan.
* Detalyadong ipinaliwanag ng presidente ang operation sa pagbibigay ng mga halimbawa katulad ng mga sumusunod:
A. Na ang bawat miyembro ay magbibigay ng halagang (P/50.00) singkuwenta pesos kada buwan hanggang sa panahon ng operation at kanyang makakayanan.
B. Na inaasahang hindi lahat ay makakapagbigay ng P/50.00 kada buwan dala ng kanilang kalalagayan.
C. Na magiging pabor sa mga makakakumpleto ng kontribusyon kaya hinihimok ang lahat na makakumpleto din.
* Nagbigay din ng halimbawa ang Presidente sa magiging takbo ng operasyon.
Ex. P/50.00 per member x 12 mos. = P/ 600.00 (yearly)
If we have 50 members x 50 = P/ 2,500.00 (monthly)
50 members x P/600.00 = P/ 30,000.00 (yearly)
* What to be benefit in case of death?
A. To return all contributions plus 5% of the total funds of BBSCA. (If your contribution is completed )
B. To return only the no. of months or years plus 3% of the total funds of BBSCA (If not completed)
* Kaya iminungkahi ng presidente na maging kumpleto ang kontribusyon upang maging buo din ang tatanggaping benipisyon. Isinaalang-alang din ng presidente ang kalalagayan ng ibang kasapi.
* Buong linaw ding ipinaliwanag ng presidente ang ilang mga katanungang dapat sagutin at maintindihan ng lahat kasama na ang pag-aapura nito sa susunod na pulong:
A. Sino ba ang kuwalipikadong makasapi sa BBSCA?
B. Paano kung lihitimong taga Balsahan ngunit hindi na dito naninirahan?
C. Paano naman kung lumipat lamang dito at hindi naman taga Balsahan?
D. Paano kung tumagal na ng taon at malaki na ang Pondo ng BBSCA, parehas o pareho lang ba ang contribution na dapat ibayad lalo at hindi lihitimong taga Balsahan?
E. Paano kung ang bagong sapi ay siya pang nausa sa mga nagtatag nito?
F. Ang daming paano at bakit na tanong ang dapat pang masagot kaya iminungkahi ng Presidente na mapagaralang mabuti bagot it aprubahan ng lahat.
* Patuloy ding ipinaliwanag ng presidente na kung ang pondo at umabot na sa isang daang libong piso (P 100,000.00) o pataas, pwede na itong gawing 10% o pataas, pwede na itong gawing 10% instead of 5% for the total funds, siempre with the approval of the body.
* Subalit iminungkahi din ng presidente na kung ang pondo ay umabot sa malaking halaga, dapat na maging initial contribution ng mga bagong sasapi ay mayroon ng bracket o limitasyon dapat sundin. Ito ay upang maging favor naman sa mga nauna ng kasapi na nakapag ipon na ng malaking pondo ng association.
* Malinaw ding binigyang diin ng presidente na dalawang magiging asignatory bank deposits, and Tresurero/Ingat-yaman at ang Presidente ng Assn.
* Iminungkahi naman ni G. Deven Reyes na mabigyan ng kopya ang lahat upang maintindihan ang magiging takbo ng operation.
* Naitanong naman ni Gng. Melit Bautista kung pwede makautang sa Assn. sa biglaang pangangailangan o pagkakasakit?
* Sinagot ng presidente and tanong at sinabing hindi pwede sapagkat maaaring tularan ng lahat. At ang unang layunin ng Assn. ay para sa karagdagang gastusin sa paglisan o pagpanaw ng isang miyembrong kasapi at wala ng iba pa.
* Binanggit din ni G. Deven Reyes na ang mga taga Balsahang mga Senior Citizens nasa ibang bansa ay posibleng sumapi din sa BBSCA hindi upang makakuha din ng benepisyo inaasam ng ating mga mahihirap na Senior Citizen ng Balsahan kundi ang makatulong at makapag ambag ng biyayang kaloob ng Diyos sa kanila.
* Sinundan ito ng paliwanag ng presidente na napakagandang mungkahi ni G. Deven Reyes at naniniwala ang presidente na 100% na susuporta at magbabahagi ang ating Senior Citizen na nasa abroad.
* Nasiyahan ang mga nagsidalo sa naging pulong.
* Pahabol na hiniling ng Presidente na manalangin ang lahat na ito ay maisakatuparan sa taong papasok 2009.
* Ang pulong ay natapos ganap na 10:45 ng umaga.
________________
LITO P. REYES