I. Pagsasa-ayos ng pulong
Pinatawag ni Kapt. Gerald Sugue sa kalihim ng Barangay ang taga-pagsalita pagpupulong upang simulan ang pulong ng maaga.
II. Panalangin
Bago simulan ang pagpupulong, pinangunahan ng Presidente ng Senior Citizen ang Panalangin..
III. Mahalagang Paksa ng Pagpupulong
Agenda:
- Presentation of Accomplishment ang Financial Report
- Public Hearing on the Proposed enactment of Brgy. Revenue Code
- Nagsimula ang pagpupupulong sa pangunguna ni Kapt. Gerald Sugue sa pamamagitan ng paglahad ng kanyang paksa..
- Ang pulong ay sinimulan sa pagkilala sa mga bagong nahalal na officer ng Senior Citizen.
- Hiningi ni Kapt. Gerald Sugue na makapagsalita ang bagong Presidente na nahalal.
- Kasunod nito ang pagpapakilala ni Kapitan sa kanyang konseho at kani-kanilang hawak na komite.
- Pinakilala niya rin ang mga bumubuo ng BPSO (Barangay Police Security Officer) magmula sa hepe hanggang sa mga miyembro nito.
- Maging ang BHRAO (Barangay Human Rights Action Officer) ay muli niyang pinakilala.
- Matapos ang pagpapakilala ni Kapt. Gerald Sugue sa mga bumubuo ng Brgy. Official, sinundan ito ng pag-rereport ng mga konseho sa kani-kanilang komite.
- Unang nagpahayag ng kanyang Komite si SK Chairman Jhonjose Arcega, Komite ng Sports & Development.
- Inilahad niya ang natapos niyang proyekto na basurahan at paglilinis nila ng ilog katulong ang kanyang kagawad, pati na rin ang plano na makapag-paliga ng Softball ay Volleyball para sa kabataan.
- Pangalawang nagpahayag ng kanyang komite si Kgg. Cornelio Pinco, Komite ng Clean & Green.
- Inilahad niya ang paglilinis na kanyang nadaluhan at nagampanan, ang River Sanitation, Coastal Clean-up at maging ang libreng bakuna sa mga hayop o anti-rabist ay kanyang binanggit.
- Pangatlong nagpahayag ng kanyang komite si Kgg. Darryl Sunga, Komite ng Cooperative & Livelihood.
- Inilahad niya ang mga aktibidad na kanyang nadaluhan, mga pagdalo ng monthly meeting, pag-duty tuwing martes ng gabi at bilang komite ng Cooperative & Livelihood, kinausap niya ang mga kababaihan na marunong manahi na makipag-coordinate sa Balsahan Elementary School para sa unfiorm ng mga estudyante.
- Pang-apat na nagpahayag ng kanyang komite si Kgg. Sherly Toribio, Komite ng Kababaihan at Pamilya.
- Inilahad niya na maghikayat ng mga magulang na gawin ang naaangkop sa kanilang tungkulin at bumuo ng isang samahan ng mga kababaihan upang magkaroon ng hanap-buhay o pagkakakitaan.
- Panglimang nag pahayag kanyang komite si Kgg. Danilo Javier, Komite ng Katahimikan at Kapayapaan.
- Inilahad niya na walang kaso siyang nahawakan na taga-Balsahan tanging mga dayuhan lamang na nag-aaway sa lugar na nasasakupan ng Barangay Balsahan.
- Kasunod ang pagre-report ni Kapt. Gerald Sugue sa kanyang mga proyekto sa barangay at ang paghayag niya sa kabuuang pondo ng barangay.
- Inilahad niya na Php 555,654.00 ang kabuuang pondo ng barangay na nahati sa 5% Calamity Fund, 10% SK (Sangguniang Kabataan) Fund, 20% BDF (Barangay Development Fund), 2% GAD (Gender ang Development) at ang ibang natitira ay mapupunta sa MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses).
- Inilahad niya din ang kanyang proyekto, ang pagre-repaint ng mga poste, pagpapagawa ng bagong Official Board, pagpapagawa ng Railings ng hagdan sa may looban, pagkakabit ng bagong ilaw sa mga poste, pagpapagawa ng arko sa susunod na taon pati ang planong maglalagay ng kanal lining ay kanya ding nilahad.
- Kasunod nitong pinag-usapan ang tungkol sa Taxation ng Barangay Revenue Code.
- Ipinaliwanag ni Kapt. Gerald Sugue ang tungkol sa Taxation ng Barangay Revenue Code. Sinabi niya na ito ay ipapasang ordinansa na maglalayon na magtakda ng mga kaukulang buwis, butaw at singil, layunin natin madagdagan ang ating pondo nang sa gayon ay mas marami pang proyekto an ating maisasagawa para sa ikaga-ganda ng ating barangay.
- Matapos mapag-usapan ang mahahalagang paksa dumako naman kami sa Open Forum at Other Matters..
- Nasabi ni Kapitan ang kanyang nais gawin na mapaganda at maisa-ayos ang eskwelahan ng Balsahan sa tulong ng Principal at nasabi niya rin na nakapagpatayo na ng ilang karagdagang silid-aralan na may dalawang palapag.
- Nasabi niya din na sa susunod na taon sana ay mapatupad ang kanyang kahilingan na magkaroon ng sariling palaruan o Covered Court ang Balsahan Elementary School.
- Sinabi niya din ang ipinararating ng Principal na sana ay mapag-isa ang eskwelahan at ang barangay upang maibalik ang kagandahan ng ating Sakatihan Field.
- Nabanggit din ni Kapitan ang libreng pagbabakuna sa aso at pagpapaskil ng ordinansa para sa mga hayop kung saan nakapaloob dito ang lahat ng pagbabawal sa nasabing hayop.
- Nasabi din ni Kapitan na ipagbigay alam sa barangay ang mga bagong lipat na mangungupahan upang makilala at mai-register na sila ay sa ating barangay naninirahan.
- Inilahad din niya ang pagkakaroon ng blogsite ni Mr. Ding Reyes at Mr. Delfin Gutierrez .
- Sinabi din niya ang kanyang mungkahi na nais niyang gawing Computer Learning ang ilalim ng Barangay Hall.
- Kasunod nito ang mga mungkahi at mga hinaing ng mga kabarangay.
- Mga mungkahi na mabawasan ang mga nagtatapon ng basura sa ilog, mga taong umiihi sa pribadong lugar at tabi ng kalsada, mga dumi ng hayop na nagkalat sa kalye at mga kalat sa bakanteng lote sa may looban.
- Lahat ng hinaing at mungkahi ng mga dumalo ay sinagot ni Kapitan at nasabi niya na ang lahat ng problema ay mabibigyan ng kasagutan kung ang bawat isa ay magtutulungan, at kanyang binigyang pansin ang mga problema para sa ikagaganda at ikalilinis ng kanyang nasasakupan.
- Matapos ang mga hinaing at mungkahi ng bawat isa, sinimulan nang ipamigay ang mga bigas at pagkain sa mga dumalo sa pulong.
- Huling binanggit ni Kapt. Gerald Sugue na mabibigyan ng kasagutan ang lahat ng hinaing at magkakaisa bawat isa sa pamamagitan ng mga namumuno ngayon.
- At isinara ni Kgg. Sherly Toribio ang pulong sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa naganap na Asembliya sa Barangay.
- Kung kaya't ang pagpupulong ay natapos sa ganap ba 10:30 ng gabi.
NOALYN P. ARCEGA
(Kalihim ng Barangay)
APPROVED BY:
GERALD J. SUGUE
(Punong Barangay)