BARANGAY BALSAHAN SENIOR CITIZEN ASSOCIATION
( BBSCA ) Barangay Balsahan,Naic,Cavite
KATITIKANG PULONG NA GINANAP IKA-3 NG ENERO TAONG 2009 ,ARAW NG
SABADO SA DAYCARE CENTER NG BALSAHAN .
> Nagsimula ang pulong ganap na ika 4:30 ng hapon sa pambungad na panalangin ng
Presidente G. Lito Reyes .
> Sinundan ng pagbasa ng katitikan noong huling pulong ika-13 Disyembre 2008 ni
Gng. Amparo J. Miranda .
> AGENDA :
> Option # 2 : As approved noong nakaraang pulong- agarang
bulongtaryong kontribusyon o koleksyon para sa sinomang kasapi ng
assn. ng halagang singkwenta pesos (50.00) sakaling sinoman ay lumisan .
At bente pesos (20.00) naman sa sinomang kabarangay na hindi senior citizen .
Ang layunin ay mayroong pagkilos at magagawa ang assn.para
sa mga kabarangay .
> Option # 1 : Pag apruba ng naunang resolution tungkol sa mga patakaran
ng " KILOS NA ! NGAYON NA ! .
RESOLUTION # 1 : Nagtatakda na dapat sundin ng lahat ng kasapi ang
mga patakarang napagkasunduan ( option # 1 )
> Ano ba ang option # 1 ? Nauna ng pagtalakay sa pasimula ng pagkaka-
tatag ng assn. Ito ay naglalayong mabigyan ng kahit konting tulong
pinansyal ang mga kasapi nito lalo na ang higit na nangangailangan . Ito'y
isang resolution na kailangang sang-ayunan ng lahat o ng nakakaraming
kasapi dito upang ito ay ganap na maisakatuparan at mapagtibay . Walang
sinoman sa mga kasapi ng assn.ang maaaring sisihin o masisi sapagkat ito ay
buong pusong pinagtibay ng lahat na nakadalo . Ang mga patakaran ay
nakasaad sa naunang katitikan ng mga pagpupulong at naaayon din sa
mga tanong at sagot na inaprubahan ng lahat .
> Nagmungkahi si Gng. Amparo J.Miranda sekretaryo ng samahan na dito lamang
Sa mga pagpupulong magbigay o magbayad ng monthly dues upang di naman
masyadong mahirapan ang ingat-yaman na si Gng. Chillete G.Todavia sa
pangongolekta .
> Naunang halaga na nakolekta ng araw na iyon bilang unang pondo ay (1,200.00)
na ididiposto sa Rural bank of Naic ayon sa pinagkaisahan ng lahat.
> Nagmungkahi din si Gng. Zeny Navasa Juliano kung pwede magbigay ng
tulong sa mayroong matinding karamdamang kasapi at kaagad naman itong
sinang ayunan ng Presidente ng oo naman ngunit hindi dapat manggaling ito
sa pondo ng KILOS NA ! NGAYON NA ! . . Iminungkahi ng Presidente na
kailangang bolungtaryong ambagan o kontribusyon buhat sa mga miembro
manggaling ang tulong na ito at ito ay sinang ayunan naman ng lahat. Kailangan
lang ay patunayan ng kapitbahay at nakakakilala sa humihingi ng tulong na sya
ay totoong may karamdaman .
> Lakas loob din binaggit ng Presidente na maglakasloob tayong magsabi at
makahingi ng tulong pinansyal sa mga kabarangay nating nasa abroad para sa
pagpapagawa ng uniporme kumakatawan sa BBSCA para sa mga opisyal na
pagtitipon ng mga senior citizen ng bayan ng Naic katulad ng senior citizen day
celebration ng naic at iba . Umaasa po ang pamunuang ito na maisakatuparan
ito para na rin sa maganda at maayos na representasyon sa karangalan ng barangay
balsahan senior citizens assn .
> Nagtapos ang pulong ganap na ika 5:45 ng hapon .
GNG. AMPARO J. MIRANDA
SECRETARY-BBSCA
G. ANGELITO P. REYES
PRESIDENT –BBSCA
No comments:
Post a Comment