Saturday, May 2, 2009

BBSC sa araw ng naik '09

nitong nakaraang mayo 1, 2009, idinaos ang araw ng naic kung saan nagkaroon ng programa sa plasa pagkatapos ay nagparada. pinamahalaan ito ng pamahalaan ng naic,cavite. taon-taon ito ay isinasagawa. maraming mga grupo ang nakiki-isa sa parada kasama ang mga kawani ng munisipyo ng naic kasama ang iba't-ibang sangay ng pamahalaan pati na rin ang mga NGO (Non-Govermental Organization) katulad ng mga senior citizen ng naic. sa pangunguna ni ginoong lito reyes na pangulo ng BBSC (Barangay Balsahan Senior Citizen), nakilahok sila sa nasabing pagdiriwang. makikita sa mga larawan ang ilan sa mga miyembro ng Senior Citizen ng Balsahan .
basahin natin ang liham sa inyong lingkod mula sa pangulo ng BBSC;

" Thank you Delfin . Maganda at maayos naman ang paradang sinamahan natin. Mas maganda sana kung makakasama ang lahat pero alam naman natin na di na kaya ng iba lalo na iyong mga may karamdaman at matatanda na. Sayang at di nakasamang lahat sa pictures ,mas maganda lalo sana at ng makita nilang lahat ang mga senior citizens ng balsahan. Eto nga at biglaan lang ang pagkakapagawa ng unipormeng suot namin dito. Pinag-uusapan pa namin at binabalak ang mas angkop at medyo maayos at maganda para sa mga ganitong okasyon ngunit biglaan din at halos one week lang inabiso sa amin na kailangang sumama din ang BBSCA kung kaya tumawag kaagad ako ng urgent miting para nga dito. Anyway ok naman at naipakita natin na tayo dito ay nakikiisa at kumakatawan para sa ating barangay. Salamat Delfin at tulungan mo kaming maiparating sa ating mga kabarangay ang magandang layunin ng ating BBSCA . Si Ding ay lagi ding handang umalalay at sumuporta para sa BBSCA . Alam kong marami ka na ding kaalaman tungkol dito. Gagawa din ako ng isang sulat para sa ating kabarangay at bahala na kayo ang magdagdag ng paliwanag sa ating mga kanayon sa abroad. Again ,thank you very much for the support ang understanding. In behalf of BBSCA ,salamat sa inyong lahat. MABUHAY ANG BBSCA ! MABUHAY ANG BRGY BALSAHAN ! GOD BLESS !

BBSCA PRESIDENT- LITO P. REYES "






1 comment:

  1. CONGRATULATION TO OUR BBSCA!MAHAL NAMIN KAYONG LAHAT.

    ReplyDelete