narito ang mga liham pasasalamat mula sa ating mga kanayon na naging benepisyaryo mula sa nakaraang piknik sa san diego,CA.
Sept. 18, 2009
To GLOBALSAHAN,
In behalf of all members of BBSCA, we would like to extend our thanks and greatful appreciation for the cash handed to us in the amount of $220 thru Ding Reyes, coordinator of Barangay Balsahan Reunion. Kasama ng aming pasasalamat ay ang pagbati sa inyong nakaraang pagdiriwang sa naging masayang pagsasama-sama ng bawat kanayong taga-Balsahan maging ang mga panauhing hindi taga-Balsahan. Congratulation for the job well done lalo na sa mga organizer at pamunuan ng pagdiriwang at ng GLOBALSAHAN.
Sa susunod na regular meeting ng BBSCA sa ika-8 ng Oktubre, araw ng sabado, aking ipaparating sa kanila ang magandang balita sa naging masayang pagsasama-sama ng mga kanayon sa Barangay Balsahan reunion. Babasahin ko din sa aming pulong ang liham pasasalamat ng coordinator na si G. Ding Reyes sa lahat ng mga dumalong kanayon at naki-isa sa pagdiriwang. Akin ding ilalahad sa kanila ang biyayang handog na kaloob ng ating mga kanayon para sa BBSCA ganoon din para sa Karakol at sa Sports Program ng mga kabataang taga-Balsahan.
Para sa inyong lahat diyan, dalangin po ng buong pamunuan ng BBSCA ang patuloy na taon-taong pagsasama-sama ng bawat kanayong taga-Balsahan na naninirahan diyan sa Amerika. At nawa sa ating ganitong pagsasama-sama ay patuloy din nating maramdaman at madama ang buhay na buhay at kasiya-siyang kahapong nagdaan sa ating buhay ng ating nayong mahal.
Muli po, salamat, maraming salamat sa Barangay Balsahan Reunion organizer at sa ating mga kanayon. Pagpalain nawa ng Poong Maykapal ang bawat isang kanayon. Mabuhay Ang Barangay Balsahan ! ! ! . . . Mabuhay ang BBSCA ! ! !
LITO P. REYES
BBSCA - President
Sept. 22, 2009
To Globalsahan,
Good day! In behalf of the Comite de Fistejos of Barangay Balsahan Karakol Association, we would like to extend our deepest gratitude to all our ka barangays and non kabarangays who in one way or another had contributed to the success of the 2009 GLOBALSAHAN REUNION, for which a fund raising campaign was initiated by the affair's coordinator Mr. Ding Reyes. $750 was raised and we were benefited in the amount of $210 equivalent to PhP 10,080. The said amount will be of big help to our association.
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat lalong lalo na kay Kuya Ding Reyes. Sana po ay wag kayong magsawa sa pagtulong, Hope to see you all in the 2010 Grand Reunion. GOD BLESS US ALL!!!
Yours Truly,
Chilet G. Todavia
TreasurerBrgy Balsahan Karakol Ass.
TO: GLOBALSAHAN REUNION 2009,
ISANG PAGBATI PO SA PANGALAN NG ATING DIYOS AT PANGINOONG JESUS CRISTO! SUMAINYO NAWA ANG PAGPAPALA AT PATULOY NA PAGGABAY NG ATING DIYOS NA BUHAY.KAMI PO NA BUMUBUO NG BALSAHAN YOUTH SPORTS AND DEVELOPMENT PROGRAM SA PANGUNGUNA NINA;
1. KONSEHAL CORNELIO "PITO" PINCO
2. KONSEHAL FERNANDO "TOTOY" REPIL
3. BARANGAY SECRETARY EDWARD "ED" PINCO
4. BARANGAY TANOD INVESTIGATOR MARK REYES
5. VOLUNTEER JING MABBORANG
6. VOLUNTEER REXY "UGING" BORJA
AT GABAY NG ATING BUTIHING BARANGAY KAPITAN GERALD SUGUE, AY TAOS PUSONG NAGPAPASALAMAT SA WALANG SAWA NYONG SUPORTA SA AMING ADHIKAIN NA PALAGANAPIN ANG IBA'T - IBAT URI NG PROYEKTONG PANG PALAKASAN SA ATING LUGAR SA BALSAHAN. ALAM PO NAMIN NA APEKTADO RIN PO KAYO NG PANDAIGDIGANG KAHIRAPAN KUNG KAYA'T GAYUN NA LAMANG ANG AMING PAGPAPASALAMAT NA SA KABILA PO NITO AY HINDI NINYO PINAGKAIT ANG INYONG TULONG.
KULANG PO ANG SALITA UPANG IPAHAYAG NAMIN ANG AMING PASASALAMAT SA INYO GANUN PA MAN, MARAMING SALAMAT PO! ANG DIYOS NAWA ANG PATULOY NA MAGPALA, GUMABAY AT MAG-INGAT SA INYO AT INYONG PAMILYA!
GUMAGALANG,
REXY
PERIOD·de·CAL(alifornia): ang pagbabalik ng abo ng labi ni kaka sepa
-
tunghayan ang ilang detalye ng pagbabalik ng abo ng labi ni kaka sepa sa
balsahan sa PERIOD·de·CAL(alifornia).
No comments:
Post a Comment