Monday, October 12, 2009

minutes of meeting BBSCA

(BBSCA) BARANGAY BALSAHAN SENIOR CITIZEN ASSOCIATION

Katitikang Pulong
Ika-03 ng Oktubre 2009 ganap na ika-4:30 ng hapon
Araw ng sabado

Agenda:

  1. Panalanging pambungad ng Presidente Lito P. Reyes
  2. Hindi nakadalo ang Kalihim ng BBSCA Ampie J. Miranda
  3. Financial Report ni Chillette G. Todavia : Reported Time Deposit of Twenty Thousand at Rural Bank of Naic. Ang natirang balance P/ 2,880.71 at panibagong koleksyon ang siya na lamang natira sa ating tresurera.
  4. President's Report:
  • Binasa ng Presidente ang kalatas ng email na pasasalamat ng coordinator ng Brgy. Balsahan Reunion sa Amerika na si G. Ding Reyes at kagawad na si Delfin Gutierrez.
  • Binasa din ng Presidente ang kalatas ng pasasalamat ng BBSCA para sa mga kanayon ng Brgy. Balsahan Reunion Organizer at sa Globalsahan.
  • Inireport din ng Presidente ang tulong pinansiyal na kaloob ng ating mga kanayon na halagang $ 220 ganon din sa karakol funds at sa youth program for sports na may parehas ding halaga na $ 220.
  • Inireport din ng Presidente ang agarang pagtulong ng BBSCA para kay Lilian Pinco na pumanaw na at sa madaling pagtutulungan at kontribusyon ng mga kasapi ang mga kanayon ay nakalikom ng halagang P/ 1,580.00. Isa muling pagpapatunay na ang BBSC ay may pagkilos at nagagawa para sa kanayong hindi pa senior citizen.
  • Pasasalamat kay G. Bert Nazareno na naghandog ng pintura upang mapintahan ang labas at loob ng ceiling ganoon din ang tatlong pintuan at restroom ng Daycare Center, silid pulungan ng BBSCA.
  • Binabalak din ng Presidente na malagyan ng gate ang Daycare Center sapagkat may nakarating nareport na mayroong gumagamit doon ng bawal na gamot.
  • Pagdalo ng BBSCA noong lunes ika-5 ng Oktubre sa ginanap na 13th anniversary celebration ng Senior Citizens ng Naic. Dinaluhan ito ng matataas na pamunuan ng Senior Citizen ng Cavite at opisyales ng Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Efren Nazareno. Sa paanyaya ng presidente, mayroon lamang 28 ang naitalang nakadalong miyembro. Ganoon pa man, ang mga nakadalo suot ang puting uniporme ay nasiyahan at nanalo pa sa raffle at pabinggo ng Munisipyo. Naglaan din ng meryenda at pananghalian para sa lahat. Isang karangalan ng BBSCA na ang ating Presidente Lto Reyes ang siyang naging emcee ng nasabing selebrasyon. Pagkatapos ng okasyon ay namahagi naman ng tig-2 kilong bigas ang pamunuang Baranggay sa pangunguna ni Kapitan Gerald Sugue sa dumalong miyembro ng BBSCA. Bukod naman ito sa ibinahagi para sa mga kanayon
5. Natapos ang pulong ganap na ika-5:50 ng hapon.


Gng. AMPIE J. MIRANDA
Kalihim


G. ANGELITO P. REYES
Presidente





Wednesday, October 7, 2009

regular meeting ng bbsca

Mga kanayon

Regular bbsca meeting last saturday ngunit dinaluhan lamang ng halos 18 members kasama na sila Tuss at Ligaya . Dala marahil ng nagbabantang lakas ng ulan ng oras na iyon ngunit sana naman ay sinikap din nila na makadalo sapagkat napakahalaga ng aking agenda noon.

Tungkol ito sa dapat ipagpasalamat kat Bert Nazareno na naghandog na mapintahan ang daycare center na siya din palagiang ginagamit ng bbsca. Napintahan ang labas at loob ng ceiling , ang tatlong pinto at ang loob ng restroom . Nagkagastos din si Bert ng 4,920.00 kasama na ang labor. Kasama din sa aking report ay ang tulong na $220 na galing sa mga kanayon ng brgy balsahan reunion funds at naireport ko din ang para sa karakol funds at sa youth program for sports na may pareho din halaga.Ganon din ang biglaang tulong sa isang kanayon na lumisan si Lilian Pinco na nabigyan ng halagang 1,580.00 sa maagap na pagkilos ng bbsca.

Pinakatampok sa aking agenda ay ang paanyaya sa ika-13th anniversary ng Senior Citizens ng Naic . Ang lahat ng barangay ay inanyayahang dumalo kaya naman ganon din sa bbsca na dapat dumalong lahat . Ok din naman at kahit 28 ang nakadalo sa atin ay masaya naman ang lahat sapagkat ilan sa kanila ay nanalo sa raffle at pabingo. Nagpresent din isang makalumang awit ang asawa ni Zeny Navasa. May merienda at lunch na inihanda ang municipio para sa lahat.

Nagsimula ang celebration 7:30 am. sa Part I para sa 1st Monday flag raisng ceremony emceed by pareng Milor Bernal with guests and the presence of the mayor and councilors with neneng.. Part II ,ako naman ang naging emcee till end of the celebration by 12:30 na. Guests naman ng Senior citizens si ate Elvie Nazareno bilang chairman ng Senior citizens ng Naic at ang Provincial President ng Senior citizens ng Cavite. Pagkatapos naman, sa 28 na dumalong taga balsahan ay nag-abot kami ng bigas mula sa aid galing sa municipio na ibinahagi naman ni Gerald para ating senior citizens. .

LITO REYES