Wednesday, October 7, 2009

regular meeting ng bbsca

Mga kanayon

Regular bbsca meeting last saturday ngunit dinaluhan lamang ng halos 18 members kasama na sila Tuss at Ligaya . Dala marahil ng nagbabantang lakas ng ulan ng oras na iyon ngunit sana naman ay sinikap din nila na makadalo sapagkat napakahalaga ng aking agenda noon.

Tungkol ito sa dapat ipagpasalamat kat Bert Nazareno na naghandog na mapintahan ang daycare center na siya din palagiang ginagamit ng bbsca. Napintahan ang labas at loob ng ceiling , ang tatlong pinto at ang loob ng restroom . Nagkagastos din si Bert ng 4,920.00 kasama na ang labor. Kasama din sa aking report ay ang tulong na $220 na galing sa mga kanayon ng brgy balsahan reunion funds at naireport ko din ang para sa karakol funds at sa youth program for sports na may pareho din halaga.Ganon din ang biglaang tulong sa isang kanayon na lumisan si Lilian Pinco na nabigyan ng halagang 1,580.00 sa maagap na pagkilos ng bbsca.

Pinakatampok sa aking agenda ay ang paanyaya sa ika-13th anniversary ng Senior Citizens ng Naic . Ang lahat ng barangay ay inanyayahang dumalo kaya naman ganon din sa bbsca na dapat dumalong lahat . Ok din naman at kahit 28 ang nakadalo sa atin ay masaya naman ang lahat sapagkat ilan sa kanila ay nanalo sa raffle at pabingo. Nagpresent din isang makalumang awit ang asawa ni Zeny Navasa. May merienda at lunch na inihanda ang municipio para sa lahat.

Nagsimula ang celebration 7:30 am. sa Part I para sa 1st Monday flag raisng ceremony emceed by pareng Milor Bernal with guests and the presence of the mayor and councilors with neneng.. Part II ,ako naman ang naging emcee till end of the celebration by 12:30 na. Guests naman ng Senior citizens si ate Elvie Nazareno bilang chairman ng Senior citizens ng Naic at ang Provincial President ng Senior citizens ng Cavite. Pagkatapos naman, sa 28 na dumalong taga balsahan ay nag-abot kami ng bigas mula sa aid galing sa municipio na ibinahagi naman ni Gerald para ating senior citizens. .

LITO REYES

No comments:

Post a Comment