(BBSCA) BARANGAY BALSAHAN SENIOR CITIZEN ASSOCIATION
Katitikang Pulong
Ika-03 ng Oktubre 2009 ganap na ika-4:30 ng hapon
Araw ng sabado
Agenda:
Gng. AMPIE J. MIRANDA
Kalihim
G. ANGELITO P. REYES
Presidente
Ika-03 ng Oktubre 2009 ganap na ika-4:30 ng hapon
Araw ng sabado
Agenda:
- Panalanging pambungad ng Presidente Lito P. Reyes
- Hindi nakadalo ang Kalihim ng BBSCA Ampie J. Miranda
- Financial Report ni Chillette G. Todavia : Reported Time Deposit of Twenty Thousand at Rural Bank of Naic. Ang natirang balance P/ 2,880.71 at panibagong koleksyon ang siya na lamang natira sa ating tresurera.
- President's Report:
- Binasa ng Presidente ang kalatas ng email na pasasalamat ng coordinator ng Brgy. Balsahan Reunion sa Amerika na si G. Ding Reyes at kagawad na si Delfin Gutierrez.
- Binasa din ng Presidente ang kalatas ng pasasalamat ng BBSCA para sa mga kanayon ng Brgy. Balsahan Reunion Organizer at sa Globalsahan.
- Inireport din ng Presidente ang tulong pinansiyal na kaloob ng ating mga kanayon na halagang $ 220 ganon din sa karakol funds at sa youth program for sports na may parehas ding halaga na $ 220.
- Inireport din ng Presidente ang agarang pagtulong ng BBSCA para kay Lilian Pinco na pumanaw na at sa madaling pagtutulungan at kontribusyon ng mga kasapi ang mga kanayon ay nakalikom ng halagang P/ 1,580.00. Isa muling pagpapatunay na ang BBSC ay may pagkilos at nagagawa para sa kanayong hindi pa senior citizen.
- Pasasalamat kay G. Bert Nazareno na naghandog ng pintura upang mapintahan ang labas at loob ng ceiling ganoon din ang tatlong pintuan at restroom ng Daycare Center, silid pulungan ng BBSCA.
- Binabalak din ng Presidente na malagyan ng gate ang Daycare Center sapagkat may nakarating nareport na mayroong gumagamit doon ng bawal na gamot.
- Pagdalo ng BBSCA noong lunes ika-5 ng Oktubre sa ginanap na 13th anniversary celebration ng Senior Citizens ng Naic. Dinaluhan ito ng matataas na pamunuan ng Senior Citizen ng Cavite at opisyales ng Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Efren Nazareno. Sa paanyaya ng presidente, mayroon lamang 28 ang naitalang nakadalong miyembro. Ganoon pa man, ang mga nakadalo suot ang puting uniporme ay nasiyahan at nanalo pa sa raffle at pabinggo ng Munisipyo. Naglaan din ng meryenda at pananghalian para sa lahat. Isang karangalan ng BBSCA na ang ating Presidente Lto Reyes ang siyang naging emcee ng nasabing selebrasyon. Pagkatapos ng okasyon ay namahagi naman ng tig-2 kilong bigas ang pamunuang Baranggay sa pangunguna ni Kapitan Gerald Sugue sa dumalong miyembro ng BBSCA. Bukod naman ito sa ibinahagi para sa mga kanayon
5. Natapos ang pulong ganap na ika-5:50 ng hapon.
Gng. AMPIE J. MIRANDA
Kalihim
G. ANGELITO P. REYES
Presidente